isang madramang pag-uusap sa pagitan namin ni ********...
Wednesday, January 25th, 2006********: i never thought of dreaming about you last night.. why do i feel this way? are you coming back tome now? (hindi para sa akin ‘yang line na ‘yan… sinulat lang niya kasi nagdradrama siya… syempre, nireplayan ko..)
raine: please don’t come back… i know that i’ll fall for you again… i don’t want to bear the pain of losing you again.. (reply ko sa kanya na para dun sa sinusulatan niya… medyo can relate… hahaha…)
********: sige na nga, baka hindi talaga tayong dalawa… alagaan mo siya… mahalin mo siya… paalam na..=c…huhuhu…wawa naman ako…(hindi pa rin para sa akin ‘yan… para kay, —–…hahaha)
raine: pero kung dumating ang panahong muling magtagpo ang landas natin, at kung sa pagkakataong ‘yon parehong malaya ang ating puso, ‘wag nating sayangi ang pagkakataon ‘pagkat ang langit na ang gumawang paraan upang tayo’y magkatuluyan…hahaha…
********: sabi natin sa isa’t-isa dati, ‘pag nagkaton na may ibang dumatin, okay lang kasi ‘pag nagkalayo tayo… sobrang panandalian lang un… pero paano na ngayon? (hindi pa rin para sa akin ‘yan… para kay —– pa rin…)
raine: akala ko dati hindi ‘to mangyayari, umasa sa mga pangakong binitawan sa isa’t-isa… pero ngayon alam ko na, mga pangako’y wala na … at ngayo’y umaasa na lang na may dumating ring iba… (pangdagdag niya ‘yan sa sinulat niya… pero can relate pa rin… hahaha…)
********: nalulungkot ako dahil may iba ka na.. nadurog ang puso kasi naalala ko na sabi natin magkaibigan pa rin tayo… kahit ano mangyari.. pero ni ha he hi ho hu wala akong narinig mula sa ‘yo… (para pa rin kay —– ‘yan…)
raine: kaya ngayon hindi alam kung ano ang masmasakit, ang pagkakaroon mo ng iba o ang hindi pagpapakita… kung anuman isa lang ang sigurado, nangungulila ang pusong ito sa ‘yo…
********: where are you to wipe my tears? nung mapanaginipan kita… ngayon ko lang naisip… wala ka na palang talga… =c
raine: sabi nila masmaganda ang realidad, ‘pagkat doon mong tunay na madarama… ngunit ngayo’y umaasa na panaginip na lang sana para sa aking pagising ang sakit ay wala na…
********: paano na ako ngayon… bakit ganun… hinahanap-hanap pa rin kita!!! turuan mo naman akong kalimutan ka… dahil alam kong malit ito… itong nadarama ko… =c
(para kay ********) raine: ayoko, na tapos na masyado nang madrama… hehehe…
(para kay ********) raine: masgusto mo talaga SIYA kahit di mo aminin… minahal mo siya kahit ayaw mo sabihin… at ngayon nasasaktan ka kasi pinakawalan mo pa siya… hahaha… peace…^_^
ayan… yan ang madrama naming pag-uusap ni ********.. secret identity kuno.. hahaha… ‘yung mga script niya, para kay —– ‘yun… dinadagdagan ko lang… na medyo can relate naman ako sa mga sinusulat ko.. obvious ba… ‘wag kayong mag-alala… sana ito na ang huli kong pagdradrama….
reading your old blogs will just make you laugh. lol.
No comments:
Post a Comment