Saturday, May 15, 2010

madaling araw na, ang daldal mo pa. tsk.

ang balak: matulog ng maaga. gumising ng maaga. tumulong mag-ayos para sa mga darating na bisita.

Pero mukhang hanggang balak na lang 'yun dahil hanggang ngayon, gising pa din ako. :((

Bakit nga ako gising pa? Hay, hindi ko rin alam. Ang alam ko lang, inaantok na ako pero ang diwa ko'y gising na gising pa. Parang humahanap ng mga sagot sa tanong na hindi pa natatanong at naiisip. Buti pa ang mga tanong na 'yon, may sagot na. Eh ang mga tanong ko, meron na kaya? (aysus, ano na naman ba 'to???)

Sabog. Parang addict lang. Nagsusulat, pero wala namang patutunguhan. Nag-iisip, wala naman talagang kahulugan. Ganito ba talaga 'pag walang magawa kahit na madaming kailangang gawin? Sa madaling salita, ganito ba talaga 'pag TAMAD....???

Ano nga ba ang point ng blog na 'to??? >>> wala lang. Gusto ko lang magsulat, bakit ba? :))

Pero alam mo, sa gabing ito (madaling araw pala), meron akong napagtanto....

Sa buhay natin, kailangan lang natin minsang lumayo, namnamin ang sakit pagkatapos ay pakawalan ito. Subukang mabuhay ng normal at hayaan lang ang panahon ang maghilom ng mga sugat ng nakaraan. Minsan nakakainip, madalas nakakabagot, pero ano naman ang paghihintay ng saglit kung ang kapalit naman nito ang habambuhay na tunay na kaligayahan na walang ni konting kirot at poot na nadarama?
Hindi bago ang mga desisyon na nangangailangan ng panahon. Minsan, kailangan munang magpalipas ng oras, huminto, manahimik at mag-isip. Dapat hindi nagmamadali dahil baka sa pagkakataong ito, maging katotohanan na ang lahat ng panaginip. Hindi na tayo masasawi at higit sa lahat, makita na ang matagal nang hinahanap. Baka sa pagkakataong ito, dumating na ang tamang pagkakataon sa tamang panahon.

Tanging panahon lang ang makapagsasabi at ang tanging magagawa ko lang ay ang maghintay. :) 

Tama na, tulog na, kainan na mamaya. :D
 

I can't remember... :(

I found this message in my phone written last March 26, 2010.

"It was after all for my own good so that I need not to choose nor take sides.I may have hurt now but I know that He just rescued me from a deeper pain that I might encounter in the future if I should have indulged myself now. It was not easy to understand nor to accept but I trusted Him, followed Him with eyes closed and let Him have His way in every step. It may have took me a while before I had the courage to take a step and move forward, but who cares? At least I realized that not all "yes" are really "yes", that true friends keep their promises and that His love is far more greater than anything this world could offer."

As much as I tried to remember the reason why I wrote this, I just can't. I wish I could remember soon. I'm kinda bothered and confused. :|