Sunday, September 13, 2009

Her Story

I was looking for some files to delete in our external memory then I found this…. Mama's Talk written last February 2006. :)

TALK 2: TAKE CHARGE OF YOUR UNPLEASANT EMOTIONS

(PART 1) How We Harm Ourselves By Treating Them As Enemies

GOOD EVENING BROTHERS AND SISTERS! On different occasions I was asked to give a talk or sharing in a crowd pero lagi akong tumatanggi . Ang lagi kong dahilan ay ang aking paos at pangkamang boses plus my Visayan accent. Lagi kong sinasabi pang one-on-one lang ang boses ko and not for a crowd.

But when Sis Fe approached me to give this talk, di ako nakatanggi. Why? Siguro, dahil sa napakagandang talk ni Bro. Obet during our recollection, I realized that I have to try to release my potential at nang pinush ako ni Sis Fe, nawala lahat ng apprehensions ko. So, brothers and sisters please bear with my husky voice and Visayan accent. And I hope I could do justice to our beautiful topic tonight: Take Charge of Your Unpleasant Emotions: How we harm ourselves by treating them as our enemies.


Let me start by sharing the drama of my life. I am the eldest of 8 siblings born in a remote island of Camotes, Cebu. Life in our barrio is hard. Walang kuryente at malayo ang igiban ng tubig. Nang ibenta ng Lolo ko ang lupang kinabuhayan namin, my father, an ex-seminarian and an undergrad got to work at ang binagsakan ay maging pari ng ibang religion. Ito'y naging daan para kami lagi nyang iwan at sya'y maging malapit sa temptasyon.

When I was in grade 4 we transferred to Sevilla, Bohol. Mas maganda buhay namin dito dahil ang tubig nasa baba na lang ng bahay, me kuryente at malapit sa eskwelahan. Pero dito naman naghiwalay ng tuluyan ang magulang ko. I could still vividly remember crying over my mother begging her not to leave but then I understand her. My father decided to bring us all to his mission area – Mindanao. Buti na lang kalagitnaan na ng schoolyear at alanganin na akong ilipat kaya naiwan kami ng kapatid kong si Edmond sa Bohol. That was also the start ng pagkakawatak-watak naming magkakapatid.


Life has to go on. My mother was in Cebu, namasukang katulong to support me and Edmond. The first impact of being alone was during my graduation. Habang ang mga kaklase ko masasayang kasama buong pamilya nila, ako ay mag-isa lang. Wala ni isang kamag-anak to just even see me receive my diploma.

For my high school education, my father will support me kung sasama ako sa kanya sa Mindanao. But I told him to stop his womanizing first before I'll join him. Sa galit nya, itinakwil nya ako. Wala na raw syang anak na LUTGARDA. But God is good. Pinagbakasyon nya sa Cebu si Sr. Lutgarda, younger sister nya and upon knowing my situation, dinala ako sa kumbento nila sa Cuyo, Palawan. Doon nakapag-aral ako ng high school as a working student. Again, naramdaman ko na naman ang tinding lungkot at awa sa sarili ng gumraduate akong nag-iisa. Gusto kong ipagmalaki sa pamilya ko ang mga medalya kong nakuha pero napakalayo nila.

My uncles in US, knowing my situation and through the intercession of Sr. Lutgarda, supported me through college. Nang makatapos ako, pinag-aral ko ang pangatlo at pang-apat kong kapatid. Then, sila naman ang tumulong sa mga nakababata naming mga kapatid hanggang makatapos kaming lahat ng kolehiyo.


Life started getting better. Nakatapos na lahat ang mga kapatid ko at nagkabalikan na rin parents ko. At lalong sumaya ng magka boyfriend at maging asawa ang mabait at ever supportive na si Rudy Mallari. Ang saya-saya ika nga!


Akala ko tapos na ang drama ng buhay ko pero pinahinga lang pala ako! Habang naglalabor ako para sa panganay ko nakapa na suhi ang baby. The doctor ordered and emergency caesarian operation. The next day, excited na akong pumunta ng nursery pero iniiwasan ako ng asawa at mga kapatid ko. Walang gusto sumama sa nursery. Finally, my doctor came. Pinaliwanag sa kin na nabuhay lang ang baby for 10 hours at nang sinabi nila sa kin, nailibing na ang baby ko. Ang sakit! Di ko man lang nakita ang baby ko! Iniyakan ko buong araw at magdamag. Sa suporta ni Rudy at mga kapatid ko nakarecover agad ako and I was able to surrender.


Am back to life and was praying for another baby. But then me nararamdaman ako ke Rudy. Nag umpisa akong matakot na ang dinanas ng mother ko dadanasin ko rin. And indeed it was! The pain is UNDESCRIBABLE! Nabuhay ang galit ko sa tatay ko. Galit ako sa asawa ko, galit ako sa babae at sa mga taong nakakaalam pero nanahimik lang at pinabayaan ang asawa kong magloko! Awang awa ako sa sarili ko dahil naloko ako. Gusto kong pumatay at magpakamatay pero di ko magawa! Halos pinagdaanan ko na lahat, pero ito ang pinakamasakit. It took me years before I was really able to forgive my husband.


Brothers and sisters, lahat tayo ay may kanya-kanyang drama ng buhay at dahil dito, unpleasant emotions are here to stay.

Ano nga ba ang unpleasant emotions? Ito ay ang mga galit, takot, pag-alala at kalungkutan. Ito ay tinatawag na "negative emotions" pero mas magandang tawagin natin silang "unpleasant " dahil ang emotions ay neutral – neither positive nor negative. Ang emotion ay bahagi ng buhay na dapat di natin iniiwasan. Kapag tatawagin nating "negative" lalo natin itong iiwasan.


HOW NOT TO DEAL WITH UNPLEASANT EMOTIONS

Let me share with you 3 insane ways kung paano hinaharap ng karamihan ang iba't-ibang emosyon – at ang masamang epekto nito sa ating sarili.

1. WE AVOID THEM LIKE THE PLAGUE / INIIWASAN NATIN NA PARANG SALOT SA BUHAY.

One of my sisters is an achiever and workaholic. Nang estudyante pa sya tutok sa pag-aaral. Napaka-efficient nya sa trabaho at perfectionist na ikinatuwa naman ng mga boss nya and lead her to promotions. Planado ang buhay pati ang pagboboyfriend nya.

Everything seemed perfect with her pero there came a time na halos di na sya natutulog at sobrang depressed. She felt so empty at isinubsob na lang sarili sa trabaho. Di rin sya makapagmaintain ng relationship. She questioned everything under the sun. Sensing that there is a deeper problem than the superficial, I advised her to go through a healing of the inner child retreat.

True enough she realized that what lead her to be an achiever and workaholic is ANGER and FEAR. Sa galit nya sa tatay namin kelangan nyang maging magaling at financially stable. Takot syang maging helpless kapag magloko ang asawa nya kaya kelangan mas stable pa sya rito.

It took my sister 25 years to realize this fear and anger and for the meantime, it was driving her into depression.


2. DENY THEM LIKE IT'S NOT THERE / AYAW AMININ O WALA LANG.

June 2004 naoperahan ako. Breast cancer stage 2b ang diagnosis. During my operation halos lahat ng kapatid ko nasa hospital except for Racel. Tumawag naman ang hipag ko ke Rudy at sila pa ang umiiyak. Dahil sa malayo at tutok sya sa trabaho inintindi ko bakit hindi ako dinalaw. Nong 1st chemo ko, naconfine ako sa Makati Medical. I was hoping na dadalawin ako ni Racel dahil mas madali namang puntahan ang Makati kesa Las Pinas. Pero ng tawagan sya ng isa kong kapatid, he was on his way to Baliuag, Bulacan, me dadalawing patay. During that time nalungkot ako at pinaprioritize pa nya ang patay kesa kapatid nya na hindi pa rin nadalaw. But I denied my feeling in the guise na naintindihan ko sya. Baka nga naman ilibing na kinabukasan yong patay.

Kapag me terminal illness ka pala, hahanapin mo ang pagdamay ng mga close friends mo. Aside sa kapatid ko, me 2 close friends din akong inaasahang dumamay sa akin. Pero hanggang nachemo ako, ni tawag or dalaw wala. Binale wala ko ang nararamdaman ko thinking na siguro meron silang mas mabigat pang problema kesa akin. I understand them.

Pero 1 night, while suffering on the effect of chemo, I asked the Lord na kunin na ako at nahihirapan na talaga ako. But then natakot ako at baka me unforgiveness pa ako sa puso ko. I need to forgive and ask for forgiveness. Tinanong ko si Lord, sinu-sino ang mga kelangan kong patawarin at hingan ng tawad. To my surprise, these 3 persons came up. Dahil sinuppress ko at dinedeny ang feelings di ko alam nagtampo na pala ako.

Brothers and sisters, when you feel neglected, sad, lonely and when you're afraid, you can deny their existence all you want, and they'll still be there staring you in the face!

Denial doesn't work! I thank God for showing me that trying to understand my brother and my friends was actually denying myself of my true feelings and the feeling of neglect was slowly leading me to resentment adding more cancer cells to my body. Ako na ang tumawag sa mga taong ito, told them of my resentment, ask for forgiveness and forgave them.


3. BE A SLAVE TO WHAT YOU FEEL / MAGING ALIPIN SA NARARAMDAMAN MO

Ito naman ang complete opposite ng denial.


Hayley is a Korean who grew up in the US. Naging girlfriend sya ng pinsan ko at naging kaibigan naming mag anak ng magbakasyon sila dito. Sa kaprangkahan nya, sasabihin nya kung ano ang nararamdaman nya at gagawin nya ang gusto nya. Wala sya ni ano mang inhibitions. She is a WYSIWG person." WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET."

Magandang tingnan on the surface. Too honest.

Last month, she and my cousin broke up. Kachat at kafriendster sya ng mga anak ko at sa blog nabasa namin how bitter she was on the break up. She attacked the Filipinos in general at lahat ng Canete sa Alaska in the net. In her honesty sa feelings nya, pati parents ng pinsan ko inaway nya. That's freedom of speech daw in the US. Hayley's disregard of the other CANETE'S feelings lead to a war in the net. Nanahimik nga ang pinsan ko but the other canetes did not.

Hayley thought emotional honesty is the most important thing in the world. Yes emotional honesty is important. It is essential for wholeness, healing, and trust in relationships. But it is not the most important thing in the world.

Ano ang pinakaimportante? Still, it is LOVE. Pagmamahal pa rin ang pinakaimportante dito sa mundo.

On Judgement Day, hindi magtatanong ang Diyos if you have been emotionally honest. Corny mang pakinggan, ang maging tanong nya ay, NAGMAHAL KA BA?


WRONG BELIEFS ABOUT UNPLEASANT EMOTIONS


Bakit nga ba ganito na lang ang pananaw natin sa emotion? Dahil sa mga maling paniniwala sa unpleasant emotions.


Let me share with you 5 examples . . .


1. FAMILIES SHOULDN'T TALK ABOUT PAINFUL TOPICS

(HWAG PAG USAPAN SA PAMILYA ANG MASASAKIT O DI MAGANDANG BAGAY)

Last October, nang makapa ko ang bukol sa naoperahan kong breast, we feared a recurrence. Para maiwasan na ng mga anak kong kunsimihin ako, Rudy told them of my situation. Somebody reprimanded him for telling my children. Di pa raw dapat. I reacted. Why not at kelan ang tamang panahon? More than anyone else, dapat malaman ng mga anak ko ang tunay na situation. Sila ang unang maapektuhan.


2. UNPLEASANT EMOTIONS AREN'T PLEASING TO GOD

Some of us belong to religious groups that don't differentiate unpleasant emotions with unpleasant behaviour. Malaki ang pagkakaiba sa behavior at emosyon. But both are condemned equally.

Ako ay isang transparent na tao. Kung ano ang nararamdaman ko, galit, takot, pag-alala, at kung anu-ano pa, sinasabi ko. But there was a point in time, na nanahimik ako at pinipili ko na lang ang mga taong pagsasabihan ko. Why? Dahil inispiritualize ako! Yon bang babanatan ka ng scripture verses by our well-meaning friends.

Siguro, kaya binigay ni Sis Fe sa kin tong talk na to because I have been sharing in our CG my feelings and experiences during that time na hindi ko pa matanggap ang pagkaroon at ang pagbalik ng cancer.

One time, we were having a CG meeting and we were sharing our concern na may bukol na naman uli ako and possibly it was a recurrence. Rudy was sharing his fears at naiiyak pa sya. After his sharing, one of our brothers read to us the October issue of Kerygma, Bo's talk on "When He Speaks, Things Happen. The brother was trying to lead us to trust in God and not to worry, BUT for us it was not what we need at that moment. Kelangan lang namin ang makinig at damhin ang takot na nararamdaman namin. EMPATHY IS THE RIGHT WORD!

Well meaning friends also sent text messages such as not to be afraid or worried, or not to be sad because I am a child of God. Doing so means I am listening to the lies of the devil

Nagrerebelde ang puso ko! Gusto ko silang pagsisigawan, for God's sake, nakakapa ko itong bukol , sasabihin mo sa kin not to worry? IKAW KAYA MAGKACANCER! Tingnan natin kung masabi mo pa yan!

Dahil dito for almost a month I withdraw. Ayaw ko nang magshare sa mga spiritual na tao at ang mga text messages, umpisa pa lang dinidelete ko na. Pili na lang ang kinakausap ko tungkol sa feelings ko. Yong lang mga taong naiintindihan ang nararamdaman ko.

Yon ang emosyon ko pero walang pinagbago ang behavior ko. I attend all the community activities, I acted normally and I counsel people who are also hurting. The more I understand them.

And before I forget, I would like to honor Rudy, in this area. During those times na nag-iiyak ako at very low, nanahimik lang sya and not a single spiritualization ang narinig ko. He is just there, supporting and crying with me. I was blessed to have an emphatizing husband! And I believe God is well-pleased.


3. SAINTS DON'T HAVE NEGATIVE EMOTIONS

Kunektado to sa naunang belief na unpleasant emotion is not pleasing God. Akala ng iba, ang mga banal na tao ay hindi na nagagalit, hindi natatakot or nalulungkot. Para sa kanila, ang mga banal, ay lagi na lang nakangiti at nagdadasal sa buong araw – katulad ng mga estatwa nila sa altar.

Ini-imagine nila na pag ang banal na tao hinohold up sa daan, magiliw pa ito sa holdaper at sabihin pa sa holdaper: "Halika hijo sa bahay at dagdagan ko pa yang hinold up mo."

Or kapag sila naman magkasakit, we imagine them crying out to God, "More pain, Lord. Give me more pain!

O kaya kung nasusunugan naman ng bahay or namatayan ng anak or nawalan ng trabaho, iniisip nating pasipol pasipol pa ito habang nagdidilig ng halaman at kumakaway sa lahat ng dumadaan.

Para sa akin, hindi sila mga santo.

Mga baliw, oo, pero santo, hindi!

Ang mga banal na tao ay natatakot, nagagalit at nalulungkot katulad ng iba – pero they just respond to these emotions differently.

4. FEELINGS MEAN WEAKNESS

Itoy malimit nating naririnig na kapag ang batang lalaki umiiyak, siya'y mahina at bakla. O kaya'y kapag ang lalaki ay good boy, walang bisyo, hindi nagpi-flare up at controlled ang emotions sya ay mahina. Para sa kanila, the less emotion they have, the stronger they are.

Ito'y napakalaking kalokohan!


5. EMOTIONS ARE OUR ENEMIES

Akala ng iba, kapag hinarap at inaacknowledge nila ang unpleasant emotions sa kanilang buhay maging sagabal ito sa kanilang success. Kaya they fight them, deny them or drive them out. Ito'y napakalaking pagkakamali – dahil ang negative emosyon ay maari nating maging kaibigan na may kaakibat na magandang regalong maibigay sa atin.


Ano ang mga regalong ito? Abangan ang part 2 sa series ng talk na ito!

MAGANDANG GABI AND GOD BLESS US ALL!