Sunday, November 14, 2010

I Miss. :(


They say that blogs are for lonely people. And now it got me thinking, am I really lonely? Or I just chose not to tell someone? So why am I blogging it now? I know for a fact that only few people follow and read my blogs. And somehow, this gives me an opportunity to write about how I feel semi-privately.


I don't know why I feel this. Or maybe I do. Minsan talaga, gusto ko itanggi sa sarili ko ang mga bagay na alam ko namang un ang sagot. Crazy keren. Tsk. I am blessed. I know I am and I feel that I am. I am blessed to have a job right after passing the board exams. I am blessed to meet new people and have new friends. I am blessed because I have people around me who see me as their "ate" and heed for my advice. I am blessed with the empowered LOJ-Youth in Feast Manila Bay. I am blessed to be living my life now. I am blessed. They're so much I need to thank God for. I am grateful and I'm happy.


But. I miss…

my SBC friends. SGV is new for me. It is a blessing but sometimes, I feel lonely. Naiinggit ako sa iba kong mga kaofficemates na kasama pa din ang barkada at classmates nila hanggang sa trabaho. Sabay sabay pa rin sila kumakain at palaging nagsasama-sama kapag break. I am friendly. Pero iba kasi sila. Ang hirap sumingit sa ganun. Parang ang dami nilang pinag-uusapan na hindi mo naman alam. Ok lang naman. Pero nakakainggit na may ganun sila. Nakakainggit na may mga kaibigan sila na pwede nilang samahan. Siguro mas namiss ko lang sila nung nakita ko sila nung Friday.


my hs friends. Ever since I started college, I was often the MIA in events. Kahit ung simpleng tambay nga lang, wala ako. Tapos ngayong dapat nagpapakita ako sa kanila, hindi ko pa din magawa. A part of me is somehow scared. Since ang tagal ko na silang hindi nakakasama, parang ang dami ng bago sa kanila na hindi ako basta basta makakarelate. Palagi silang magkakasama, parang mas lumalim na ung samahan nila tapos ako, ganun pa din. Namimiss ko na sila. Pero natatakot din ako na baka pag nakasama ko sila, ma-op ako. Pag nakikita ko mga pictures nila, gusto ko sabihin sa sarili ko na sana andun din ako, na kaclose ko yang mga yan. Pero ngayon, ewan ko ba. It seems like they're different and I'm still stuck with my old self. Well, I love myself and I love who I am. But too bad, it seems like my old self is scared facing the new them.


XJs and my beda "boyfriends". We don't go out often but I miss talking with you. Ung samahan natin, parang hs. Namimiss ko na ung chismisan pag break at pagpapanggap na nag-aaral pero daldalan naman. Namimiss ko tuloy ung review moments. At least dun, kahit papano nakikita ko kayo. Nakakakwentuhan ko kayo. Nakakasama ko kayo. Pero ngayon, wala. I just feel so lonely. Siguro kasi nakikita ko ung iba na kahit papano magkakasama pa din sila. Sila marvin, pwedeng kasama si ekang and lyssa. Si ate ranzel and Darrel magkasama. Sila romeo, crisvi and ate joy. Ako, eto, mag-isa lang. My work is a blessing. Pero nakakamiss. :(


my old CG. I know I have to move on and handle my own CG. But I miss having a mother CG with the youth. Ung member ka lang din. I miss being with my old CG, our monthly meetings and our long talks. They've been a big part of me for the past months and sometimes, I feel that something's missing in me kasi wala na sila. Alam kong pwede ko pa rin naman silang takbuhan. Pero namimiss ko lang talaga na nakakasama sila.


 

my CFs. I miss our long talks and our three way conversations. I miss having you around and disturbing you anytime of the day just to tell a story. I miss talking to both of you. I miss us three. I miss our chismisan. :(


 

Qb. I miss talking to you and I miss you. Ang layo na natin sa isa't isa. Namimiss ko ng kwentuhan ka at itext ka sa mga bagay bagay na nangyayari sa 'kin. Namiss ko na din makwentuhan mo. Some things may not remain the same for now but I really hope that we could catch up soon. Namimiss ko na bestfriend ko. :(


 

my Family Loves. Kanina ko narealize kung gaano na ako kalayo sa inyo. Wala na akong nakakasama sa inyo maliban kay jem. Wala pang nakakausap. Tapos magkakacg pa kayo. Makita ko man kayo sa feast manila, hindi ko naman kayo nakakawentuhan. Hindi naman ako makapuntang pasig dahil sa PICC. Kanina ko narealize na parang ang layo ko na sa inyo. Na oo alam ko namang love niyo ako pero nalulungkot ako kasi wala na akong nakakasama o kahit nakakakwentuhan man lang sa inyo. Buti nga si jem, kahit papano cg niya pa din si daddy pao. Pupunta siya ng pasig tapos ako hindi makakasama. Alam ko naman maraming blessings pero nakakamiss lang. At naiinggit ako. Parang ang dami ng nangyayari na magkakasama kayo tapos ako wala na naman. Nasanay lang din siguro ako na madalas ko kayong nakakasama dati kaya ganito. Tapos hindi ko pa kayo matext. Hindi ako makapaggm. Eh naiintindihan ko naman kung bakit di niyo ako matext. :( nalulungkot lang ako. (at ngayon umiiyak na. haha) pero parang nung kanina, nung nakita kong magkakasama kayo hanggang after ng dance tapos ako hindi naman makakasama, hay nalulungkot ako. :((


 

my Family. First week pa lang sa trabaho, nakikita ko lang sila pag tulog pa sila. Nung isang araw ko lang narealize na hindi ko na sila masyadong nakakausap. Alam ko masaya para sa 'kin si papa at ate pero hindi ko na sila nakakasama. Feeling ko minsan, nasa dorm pa din ako. Si jem pa din ung madalas kong kasama. Eh si papa, busy sa iba. Tapos for sure si ate, magiging busy kay Jerome pagbalik niya. Tapos ako, palaging pagod pag-uwi. Hay. Nalulungkot ako. :((


 

This sad blog has to end, and it ends now.

1 comment:

grax said...

i love you keren graine=) you are great as you are..