Ang mundo, malaki, malawak, madaming tao. Pero minsan, sa dami ng tao, maguguluhan ka't malilito kung sino ba talaga ang pagkakatiwalaan mo. O minsan, alam mo naman kung sino, sadyang takot ka lang magtiwala ulit.
Minsan sa buhay, darating ka pala sa punto na gusto mo na lang tumakbo at mawala sa kawalan. Minsan, gusto mong tumawa hanggang kabagin ka, o umiyak hanggang wala ng luha ang papatak mula sa iyong mga mata. Minsan gusto mong maraming kasama, magulo, maingay, makulit. Pero minsan gusto mo lang din mapag-isa, tahimik lang.
Sa iyong pagtakbo palayo sa realidad ng mundo, minsan bigla ka na lang matitigilan. At pagkatapos ng malalim na pagninilay-nilay sa mga bagay-bagay, mapapisip ka, "ako ba talaga 'to?", "ano nga bang ginagawa ko sa buhay ko?".
Mananahimik, mapapaisip. At sa pag-iisip, malalamang alam mo naman pala talaga ang sagot sa iyong mga kabaliwan. Hindi ka nalilito lalong hindi naguguluhan. Gusto mong tumakbo at mawala sa kawalan dahil ang katotohanan ang iyong gustong talikuran, isang katotohanang sumasalamin sa isang pangalan na nagpapakita ng kabuuan.
Pero sa ngayon, tatahimik ka na lang muna, muling mag-iisip sa gitna ng kawalan. Dahil sa pagkakataong ito, gusto mo maging sigurado sa lahat ng gagawin mong desisyon. Hindi ka naman nagmamadali. Alam mong madami ka pang oras at ito'y gagamitin sa wastong paraan. Uupo sa isang tabi, magninilay-nilay, at hinhintayin ang tamang panahon at ang tamang pagkakataon.
Dahil sa mundong ating ginagalawan, tanging panahon lang ang makakapagsabi. At wala kang pakealam sa tagal ng panahon sapagkat handa kang hintayin ang sasabihin nito. *(^_^)*
1 comment:
bf! follow mo ko at this blog
www.shimmersandglosses.blogspot.com
Post a Comment