Saturday, June 12, 2010

Ipis.

Alam mo ung minsan wala kang maisip tapos may bigla kang maiisip tapos pag naisip mo na, ayaw mo na isipin at gusto na lang tanggalin sa isip?

Ako alam ko, ikaw alam mo? Isip ka na lang kung kaya mo. :P

Mixsilog

Mga halo-halo kong kwento. *bow*


 

Sa isang normal na review day, oras na ngayon ng gising ko. Pero dahil nga Sabado ngayon at pinagbigyan ko ang sarili ko na panoorin ang huling dalawang episode ng Glee, eto, gising pa din ako at parang di na makatulog at ngayon nagsusulat na… Sa totoo lang, parang ambilis ng lingong lumipas. Parang noong huling Sabado lang, nasa Batangas ako, may sore eyes tapos natapilok tapos nilagnat tapos nagpahilot tapos nilagnat ulit tapos nawala ang lagnat tapos nilagnat ulit tapos hindi na pumasok tapos gumaling tapos magaling pa din tapos ngayon na. Ambilis ng mga araw diba?


 

Sa mga nakalipas na araw, ang dami lang atang nangyari na hindi naman na tipikal sa ganitong panahon. Ewan ko ba, ang dami lang. Ang alam ko lang ngayon ay 'wag sayangin ang panahon ko 'pagkat konti na lang 'to. Dapat ay hindi sa kung saan-saan ko itinutuon ang aking isip kundi sa pag-aaral lang. At higit sa lahat, 'wag kalimutan si Big Boss sa taas na walang sawang nagmumudmod ng pagmamahal at biyaya.


 

Basta madaming nangyaring ngayong lingo. Maaring hindi mabigat para sa iba, pero para sa 'kin, muli na naman Niyang ipinamalas ang kakaibang kapangyarihan Niya. (Ambilis makaramdam ni Lord. :D Amen!)


 

Sa susunod, mag-iingles na ulit ako. :P

Thursday, May 27, 2010

Sikretong Malupit

Siya ay mayroong sikretong malupit
Na kahit magipit
'Di maiipit

Bagamat patuloy na nag-iisip
'Di mo pa rin mahahagip
Kahit ika'y sumipsip

Hindi mo ito makikita
Lalong hindi mahahalata
Gano mo man buksan ang mga mata

At kahit ika'y tumakbo
Patuloy niya itong itatago
Hanggang lumago

Siguro nga siya'y talo
Maaaring magmukhang gago
Ang utak ay nagloloko

Siya at ako ay iisa
Naiintindihan mo ba?
O tatakas na lang din katulad nila?

Oo ito'y magulo
Mag-isip hanggang matanto
Pero sa ngayon, didiretso munang banyo...

Tuesday, May 18, 2010

Old or Wise?

The night has been filled with different stories from different people who matter to me. I may not be their closest friend and I am not the person whom they always run to whenever they have problems but I'm glad and blessed to be here for them. I am really grateful for their trust and confidence on me.

Friends, thank you. You make me feel important and trustworthy. You filled my love tank with love. I love you. I really hope that everything will be well soon.

*hugs*

Monday, May 17, 2010

Ano ang mas mahirap?

Ano ang mas mahirap?


 

Magkunwaring gising o magkunwaring tulog?

Magkunwaring masaya o magkunwaring malungkot?

Magkunwaring may alam o magkunwaring walang alam?

Magkunwaring naiintindihan o magkunwaring nalilito?

Magkunwaring umiiyak o magkunwaring tumatawa?

Magkunwaring mahal o magkunwaring hindi mahal?


 

Bakit nga ba naimbento ang salitang "kunwari"?

Bakit nga ba kailangang magkunwari?

Hindi ba pwedeng ung totoo na lang palagi?

Saturday, May 15, 2010

madaling araw na, ang daldal mo pa. tsk.

ang balak: matulog ng maaga. gumising ng maaga. tumulong mag-ayos para sa mga darating na bisita.

Pero mukhang hanggang balak na lang 'yun dahil hanggang ngayon, gising pa din ako. :((

Bakit nga ako gising pa? Hay, hindi ko rin alam. Ang alam ko lang, inaantok na ako pero ang diwa ko'y gising na gising pa. Parang humahanap ng mga sagot sa tanong na hindi pa natatanong at naiisip. Buti pa ang mga tanong na 'yon, may sagot na. Eh ang mga tanong ko, meron na kaya? (aysus, ano na naman ba 'to???)

Sabog. Parang addict lang. Nagsusulat, pero wala namang patutunguhan. Nag-iisip, wala naman talagang kahulugan. Ganito ba talaga 'pag walang magawa kahit na madaming kailangang gawin? Sa madaling salita, ganito ba talaga 'pag TAMAD....???

Ano nga ba ang point ng blog na 'to??? >>> wala lang. Gusto ko lang magsulat, bakit ba? :))

Pero alam mo, sa gabing ito (madaling araw pala), meron akong napagtanto....

Sa buhay natin, kailangan lang natin minsang lumayo, namnamin ang sakit pagkatapos ay pakawalan ito. Subukang mabuhay ng normal at hayaan lang ang panahon ang maghilom ng mga sugat ng nakaraan. Minsan nakakainip, madalas nakakabagot, pero ano naman ang paghihintay ng saglit kung ang kapalit naman nito ang habambuhay na tunay na kaligayahan na walang ni konting kirot at poot na nadarama?
Hindi bago ang mga desisyon na nangangailangan ng panahon. Minsan, kailangan munang magpalipas ng oras, huminto, manahimik at mag-isip. Dapat hindi nagmamadali dahil baka sa pagkakataong ito, maging katotohanan na ang lahat ng panaginip. Hindi na tayo masasawi at higit sa lahat, makita na ang matagal nang hinahanap. Baka sa pagkakataong ito, dumating na ang tamang pagkakataon sa tamang panahon.

Tanging panahon lang ang makapagsasabi at ang tanging magagawa ko lang ay ang maghintay. :) 

Tama na, tulog na, kainan na mamaya. :D
 

I can't remember... :(

I found this message in my phone written last March 26, 2010.

"It was after all for my own good so that I need not to choose nor take sides.I may have hurt now but I know that He just rescued me from a deeper pain that I might encounter in the future if I should have indulged myself now. It was not easy to understand nor to accept but I trusted Him, followed Him with eyes closed and let Him have His way in every step. It may have took me a while before I had the courage to take a step and move forward, but who cares? At least I realized that not all "yes" are really "yes", that true friends keep their promises and that His love is far more greater than anything this world could offer."

As much as I tried to remember the reason why I wrote this, I just can't. I wish I could remember soon. I'm kinda bothered and confused. :|

Friday, May 14, 2010

Ano daw?

Ang mundo, malaki, malawak, madaming tao. Pero minsan, sa dami ng tao, maguguluhan ka't malilito kung sino ba talaga ang pagkakatiwalaan mo. O minsan, alam mo naman kung sino, sadyang takot ka lang magtiwala ulit.

Minsan sa buhay, darating ka pala sa punto na gusto mo na lang tumakbo at mawala sa kawalan. Minsan, gusto mong tumawa hanggang kabagin ka, o umiyak hanggang wala ng luha ang papatak mula sa iyong mga mata. Minsan gusto mong maraming kasama, magulo, maingay, makulit. Pero minsan gusto mo lang din mapag-isa, tahimik lang.

Sa iyong pagtakbo palayo sa realidad ng mundo, minsan bigla ka na lang matitigilan. At pagkatapos ng malalim na pagninilay-nilay sa mga bagay-bagay, mapapisip ka, "ako ba talaga 'to?", "ano nga bang ginagawa ko sa buhay ko?".

Mananahimik, mapapaisip. At sa pag-iisip, malalamang alam mo naman pala talaga ang sagot sa iyong mga kabaliwan. Hindi ka nalilito lalong hindi naguguluhan. Gusto mong tumakbo at mawala sa kawalan dahil ang katotohanan ang iyong gustong talikuran, isang katotohanang sumasalamin sa isang pangalan na nagpapakita ng kabuuan.

Pero sa ngayon, tatahimik ka na lang muna, muling mag-iisip sa gitna ng kawalan. Dahil sa pagkakataong ito, gusto mo maging sigurado sa lahat ng gagawin mong desisyon. Hindi ka naman nagmamadali. Alam mong madami ka pang oras at ito'y gagamitin sa wastong paraan. Uupo sa isang tabi, magninilay-nilay, at hinhintayin ang tamang panahon at ang tamang pagkakataon.

Dahil sa mundong ating ginagalawan, tanging panahon lang ang makakapagsabi. At wala kang pakealam sa tagal ng panahon sapagkat handa kang hintayin ang sasabihin nito. *(^_^)*

Thursday, May 13, 2010

Farewell Ate Ava…

If only I knew earlier, I could have visited her.


 

Ate Ava, I know you're in a better place now. Thank you for all the kindness. I was shocked by the news but what you did was really noble. I wish I knew earlier. I will never forget how kind you are to me, your softness and your warmth. Your mission here is finished, just pray for us down here. We'll pray for you.

Thank you. Heaven gained another angel because of you. Send my regards to my mom.

Thursday, April 29, 2010

Staying away…

I know that they play an important part of my life.

But for now, I just want to stay away.

I'm living in fantasy, free from worries.

And if I have a choice, I don't want this to end…

BUT I know this will end.

Real soon.

I just want to make the most out of it.

Meet new friends and build new relationships.

I just want to be here, sheltered from the world for now.